Ir al contenido
Cerrar sesión
  • Sede electrónica
  • Castellano
  • Català
  • Galego
  • Euskara
  • Valencià
  • English
MITES-ITSS

Quiénes somos

Dónde estamos

Qué hacemos

Relaciones institucionales

Empresas

Personas trabajadoras

Documentación

Normativa

Estadísticas

Información Personas trabajadoras extranjeras

Información institucional, organizativa y de planificación

Información de relevancia jurídica

Información económico – financiera y contratación

Información patrimonial

Noticias

Campañas

La ITSS en medios

Oposiciones

Concursos de traslado

  • Quiénes somos
  • Dónde estamos
  • Qué hacemos
  • Relaciones institucionales
  • Empresas
  • Personas trabajadoras
  • Documentación
  • Normativa
  • Estadísticas
  • Información Personas trabajadoras extranjeras
  • Información institucional, organizativa y de planificación
  • Información de relevancia jurídica
  • Información económico – financiera y contratación
  • Información patrimonial
  • Noticias
  • Campañas
  • La ITSS en medios
  • Oposiciones
  • Concursos de traslado
texto
    • Criterios Técnicos
    • Guías de actuación inspectora en PRL
    • Documentación ITSS
    • Documentación de interés
  • Normativa
  • Estadísticas
    • Rumano
    • Francés
    • Ucraniano
    • Chino
    • Tagalo
  1. Inicio
  2. Información Personas trabajadoras extranjeras
  3. Tagalo
  4. Empleadas de hogar

ALAMIN ANG IYONG MGA KARAPATAN

Mga Manggagawa sa Bahay

Karapatan sa makatarungang sahod

• May karapatan kang makatanggap, kahit man lang, ng statutory minimum wage (SMI), pati na rin ng dalawang karagdagang taunang bayad.

• Ang mga karagdagang bayad ay ibinibigay sa Hulyo at Disyembre. Maaari ninyong pag-usapan ng employer mo na matanggap ang dalawang karagdagang bayad sa ibang petsa, halimbawa, buwanan kasama ng iyong regular na suweldo.

• Samakatuwid:

a) Kung nagtatrabaho ka nang full-time, bilang manggagawang live-in o live-out, may karapatan kang makatanggap ng:

• SMI, na noong 2026 ay €1.221 kada buwan.

• Dalawang karagdagang bayad kada taon na hindi bababa sa €1.221 kada isa.

b) Kung nagtatrabaho ka nang part-time, ibig sabihin, wala pang 40 oras kada linggo, maaari ninyong pag-usapan ng employer mo na mabayaran ka buwan-buwan o kada oras:

• Kung sumasang-ayon ka sa buwanang bayad, may karapatan kang makatanggap ng kahit man lang:

SMI na proporsiyonal sa oras na itinrabaho, kasama ang proporsiyonal na bahagi ng dalawang karagdagang bayad na naaayon sa oras na itinrabaho.

Dagdag pa rito, may karapatan ka ring matanggap ang iyong suweldo sa panahon ng iyong taunang bayad na bakasyon, na itinuturing na parang mga araw ng trabaho.

• Kung sumasang-ayon kang mabayaran kada oras, may karapatan kang makatanggap ng kahit man lang kada oras na SMI, na noong 2026 ay €9.55 kada oras na itinrabaho (kasama na sa halagang ito ang karagdagang mga kabayaran at bayad na bakasyon).

• Bukod sa suweldo, maaaring bayaran ang karagdagang halaga, in cash o in kind (halimbawa, para sa tirahan o pagkain). Kung in kind ang bayad, ang maaaring ibawas sa kabuuang sweldo ay hindi dapat hihigit sa 30 porsiyento, at sa lahat ng pagkakataon ay dapat garantiyahan ang pagbabayad ng SMI sa cash.

• Mga Kaltas Bilang pangkalahatang tuntunin, maaaring i-withhold lang ng employer ang mga halagang itinakda ng batas, partikular ang bahagi ng mga kontribusyon sa Social Security katugon sa klase ng manggagawa:

• 6.58% kung open-ended ang kontrata

• 6.53% kung pansamantala ang kontrata

Karapatan sa limitadong oras ng pagtatrabaho

• Ang pinakamahabang regular na oras ng pagtatrabaho ay apatnapung oras kada linggo ng aktuwal na trabaho.

• Para sa live-in na mga manggagawa sa bahay, maaaring pag-usapan ang on-call o presence time, kung saan ang manggagawa ay nakahandang tumugon sa pangangailangan ng employer sa bahay o sa ibang lugar na itinalaga ng employer. Kung napagkasunduan, ang presence time ay hindi maaaring lumagpas sa average na 20 oras kada linggo sa loob ng isang buwan. Ang mga presence hour na ito ay dapat bayaran nang hindi bababa sa parehong rate ng mga ordinaryong oras ng pagtatrabaho.

• Anumang karagdagang oras ng trabaho ay ituturing na overtime at dapat bayaran o tumbasan ng bayad na pahinga.

Karapatan sa araw-araw at lingguhang pahinga

• Dapat hindi bababa ng labindalawang oras ang panahon ng pahinga sa pagitan ng pagtatapos ng isang araw ng trabaho at pagsisimula ng susunod. Para sa live-in na mga manggagawa sa bahay, ang panahon ng pahingang ito ay maaaring ibaba sa sampung oras, ngunit dapat ang natitirang oras ay mababayaran hanggang labindalawang oras sa loob ng hanggang apat na linggo.

• Ang live-in na mga manggagawa sa bahay ay may karapatan sa hindi bababa sa dalawang oras kada araw para sa mga pangunahing oras ng pagkain. Ang mga live-out domestic worker ay may karapatan sa 15 minutong pahinga kung ang araw ng pagtatrabaho ay lampas sa anim at kalahating oras.

• May karapatan ka sa isang minimum na tuloy-tuloy na lingguhang panahon ng pahinga na isa't kalahating araw, na bilang pangkalahatang tuntunin ay Sabado nang hapon o, kung naaangkop, Lunes nang umaga, at ang buong araw ng Linggo.

Karapatan sa mga pampublikong pista opsiyal, leave, at bakasyon

• May karapatan kang magdiwang ng mga pampublikong pista at mag-leave gaya ng nakasaad sa Article 37 ng Workers' Statute.

• May karapatan kang magkaroon ng 30 araw ng kalendaryo na bakasyon kada taon (katumbas ng 22 araw ng trabaho), na maaaring hatiin sa dalawa o higit pang mga panahon, sa kondisyon na binubuo ng 15 magkakasunod na araw ang kahit isang panahon.

• Kung ikaw ay nagtatrabaho nang wala pang isang taon, may karapatan kang makatanggap ng proporsiyonal na bilang.

• Ang mga petsa ng bakasyon ay pag-uusapan ng magkabilang panig. Kung walang napagkasunduan, maaaring magtakda ang employer ng labinlimang araw at ang mga natitirang araw ay maaaring malayang piliin ng manggagawa.

Karapatang hindi dumanas ng diskriminasyon, karapatan sa marangal na pagtrato, at sa ligtas at maayos na kapaligiran sa trabaho

• Ipinagbabawal sa employer mo na tratuhin ka nang masama o naiiba batay sa lahi, etnisidad, relihiyon, o katulad na mga dahilan.

• Ang iyong employer ay hindi puwedeng naiiba ang trato sa kababaihane o gumawa ng anumang aksyon laban sa kanila dahil sa pagbubuntis o pagpapasuso.

• May karapatan ka sa paggalang sa iyong pagkapribado at sa nararapat na pagsasaalang-alang sa iyong dignidad, kabilang ang proteksiyon laban sa pangha-harass.

• May karapatan kang magkaroon ng ligtas at maayos na kapaligiran sa trabaho.

Mga Karapatan sa Social Security

Kabilang sa mga pangunahing obligasyon ng employer ang:

• Pagpaparehistro ng manggagawa sa bahay sa Social Security bago magsimula ang trabaho, anuman ang bilang ng oras na kinontrata.

• Pagbabayad ng mga kontribusyon sa Social Security para sa lahat ng oras na itinrabaho at lahat ng ibinayad na remunerasyon.

Kung hindi matutupad ng employer ang mga obligasyong ito, maaaring hindi ka makatanggap ng mga benepisyo sa Social Security, o maaari mo itong matanggap sa mas mababang halaga kaysa sa nararapat sa iyo.

Ang mga dayuhang mamamayan na hindi mamamayan ng isang bansa sa European Union ay maaari lamang magtrabaho, magparehistro, at mag-ambag sa Social Security kung mayroon silang awtorisasyong magtrabaho sa Espanya.

Ano ang dapat gawin sakaling malabag ang mga karapatang ito?

Kung naniniwala kang nalabag ang iyong mga karapatan, maaari kang maghain ng reklamo sa Labour and Social Security Inspectorate.

Makikita mo sa link na ito ang impormasyon kung paano maghain ng reklamo, pati na rin ang isang template ng reklamo sa iba't ibang wika

Reklamo

Ituturing ng Labour and Social Security Inspectorate na kumpidensiyal ang pinagmulan ng reklamo.

Bilang karagdagan, kung sinesante ka ng employer nang walang dahilan pagkatapos maihain ang isang reklamo, ituturing na walang bisa ang pagsesante.

Kung nagtatrabaho ka sa Espanya nang hindi bababa sa anim na buwan sa loob ng huling dalawang taon, maaari kang makipagtulungan sa Labour and Social Security Inspectorate sa pamamagitan ng paghahain ng reklamo tungkol sa mga katunayang ito. Kung mapatunayan, maaari nitong payagan ang pagsisimula ng mga pamamaraan para mabigyan ka ng pansamantalang permiso sa paninirahan dahil sa mga pambihirang pangyayari batay sa kooperasyon sa mga awtoridad, mga kadahilanan ng pambansang seguridad, o interes ng publiko. Pahihintulutan ka ng awtorisasyong ito na magtrabaho nang legal sa Espanya.

Plan estratégico

ALAMIN ANG IYONG MGA KARAPATAN

Ver

PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON, BISITAHIN ANG MGA WEBSITE NA ITO

• Tungkol sa Labour and Social Security Inspectorate

• Tungkol sa mga kondisyon sa pagtatrabaho sa Espanya

• Kung nagtatrabaho ka sa Basque Country, maaari mo ring bisitahin ang website na ito

• Kung nagtatrabaho ka sa Catalonia, maaari mo ring bisitahin ang website na ito

  


Carpeta Ciudadana
Clave
Portal de la transparencia
Administración
ELA
AESST
INSST
Igualdad en la Empresa
TGSS
OIT
BOE
SEPE
  • Accesibilidad
  • Aviso legal
  • Guía de navegación
  • Quejas y sugerencias
  • Contacto
MITES-ITSS

Vicepresidencia Segunda del Gobierno. Ministerio de Trabajo y Economía Social.
Paseo de la Castellana, 63, 28046 Madrid

Política de cookies

Este sitio web utiliza cookies propias y de terceros para ofrecer un mejor servicio. Si continúa navegando consideramos que acepta su uso.

Ver política de cookies